Kaibigan
(Soneto)
Nang ako’y magmahal
Hindi ko maiwasang
masaktang paulit-ulit
Sa lahat ng
problemang sumasagabal,
Sana’y saya’y madama
kahit isang saglit
Sa pinapasang malubhang sakit,
Mas gugustuhin ko
nang sumuko
Nangangarap na
maglaho sa sunod na araw na sasapit
Dahil sasabog na ang
aking puso
Bakit pa ba kailangan
madama ito?
At ubusin ang luha
nang tuluyan
Oras na pagtulo ng
luha’y huminto
Dumating ang isang
espesyal na kaibigan
Pinulaw ang mabigat
na damadamin
At tinuruang siya ang
mahalin.
No comments:
Post a Comment