Natitirang Kahapon
Lalaki:
Nakalipas na pala ang
ilang taon
Di ko namalayan kay
bilis ng panahon
Ngunit sariwa pa rin
sa akin ang kahapon
At ang sinayang kong
mga pagkakataon.
Babae:
Isang alaala na
lamang ang nakaraan
Hindi na muli
mababalikan
Ang mga sandaling
ayaw malimutan
Hindi na muli
mahahagkan.
Lalaki:
Sakit ay umaapaw sa
pagbuhos ng ulan
Ang madilim na
kahapo’y aking tinatakasan
Ang desisyong ika’y
iwan
Ay hindi upang ika’y
saktan.
Babae:
Mga salitang iyong binitiwan
Mga pangakong iyong
kinalimutan
Sa panahon ng aking kagipitan
Hanap ko lamang ay
kahit isang kaibigan
Lalaki:
Lahat ng paghihirap
ay may katapusan
At nakasisiguro akong
ito’y iyong nalampasan
Bakit hindi na lamang
kalimutan
At isipin na lamang ang
kinabukasan.
Babae:
Ngayo’y ika’y naririto
sa aking harapan
Dala’y isang panibagong
larawan
Humihingi ng aking
kapatawaran
Buong akala ko’y
ako’y iyong tinalikuran.
Lalaki:
Sana’y iyong malaman
Kahit kalian hindi
kita nakalimutan
Ang alaalang naiwan
Muli nating umpisahan.
Babae:
Sana’y iyong
maintindihan
Wala na itong
mapupuntahan
Ayaw ko mang ika’y
masaktan
Ngunit sa akin wala
ka na ulit maaasahan.
No comments:
Post a Comment