Likido ng Buhay
(Di-pormal na Sanaysay)
Sa
tuwing nakikita ako ang tubig nadarama ko ang malaking kahalagahan ng ating
guhay. Ang buhay na isang beses lang mararanasan. Mga pagkakataon na medaling lumipas
bawat araw. Katulad ng tubig na gumagalaw, sa tuwing papatak ito ay unti-unting
naibabalik ang ating nakaraan. Bawat patak na tumutulo ay napakahalagang oras
‘di tulad sa espasyong naookupa nito. Katumbas nito ay isang Segundo n gating buhay
na kayang punuin ang isang lalagyan na puno ng mga magaganda at madamdaming
alaala na ‘di kailanman malilimutan.
Ang
tubig ay siyang bumubuo ng pitumput-pitong bahagi n gating mundong ginagalawan.
Binubuo rin nito an gating katawan upang tayo’y mabuhay. Sa tuwing maririnig
ang agos at at makikita ang daloy ng tubig naipapahiwatig nito ang buhay. Ang
buhay na maraming patutunguhang direksyon. Karamihan ng tao ay sumusunod sa
daloy ng agos sa paraan ng pakikisama. Ang iba naman ay hindi nakatatayo sa
sarili nilang paa. May mga tao rin ang naghahanap
ng kanilang gabay.
Maraming
pagmumulan ang tubig. Mga anyong tubig na katulad ng ilog, dagat, talon at iba
pa ay isa sa mga ginawang milagro ng ating Diyos. Nagsisilbi ang mga ito na
tahanan sa mga nabubuhay sa ilalim ng tubig na katulad ng isada at halamang
dagat.
Sa
pamamgitan ng singaw ng tubig na bumubuo ng mga ulap sa paraan ng
‘condensation’ ibubuhos nito ang ulan kapag masyado ng mabigat para sa ulap ang
dinadala nito at magaganap na ang
tinatawag na ‘precipitation’. Maihahambing ang prosesong ito sa ia’t ibang
pag-uugali ng tao. Sa simula, nakakayan nating itago ang mararamdaman sa mga
ibinabatong salita hanggang sa hindi na makayanan n gating loob ang poot na
nadarama- mga naipong galit. Nailalabas na nang buong-buo ang bigay ng hinagpis
sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan katulad ng pagbuhos ng ulan, kung ito man
ay umaambon lamang o kaya’y malakas na bagyo.
Katulad
ng tubig, iba-iba ang trato o pag-uugali ng tao sa iba’t ibang bagay na
nasasalamuha. Kapag malamig ang isipan, kalmado at malumanay ang tao at kapag
mainit ang isipan, kasingbilis ng init na mararamdaman kapag hinawakan ang
tuig, ang galt na naipapakita.
Maraming
ng tubig, ito ang tinatawag na ‘universal solvent’ – kayang tumunaw ng bagay.
Parang pag-uugali na hindi maiiwasan ng tao sapagkat yun ang kanyang tunay na
pagkatao. Ang tubig ay pumapawi ng uhaw sa tuwing napapagod ang tao. Ito ang
tumutulong sa atin kagaya ng kaibigan na laging andiyan kapag kailangan natin
ng makakapitan.
Luha,
ang tubig na tumutulo galling sa tang mata ay nangangahulugan ng iba’t ibang
emosyon – kagalakan, kalungkutan, at iba pa. nailalabas ang tunay na
nararamdaman sa pamamagitan nito.
Sadyang
maraming naipapahiwatig ang iba’t ibang uri ng tubg. Ang totoong retalidad ng
buhay ay naipapakita. Ang pinakamahalagang magagawa sa ating buhay ay gawin ang
lahat ng makakaya sa nalalabing mga sandal.
No comments:
Post a Comment