Monday, September 17, 2012

Walang Kapalit


Walang Kapalit
(Isang malayang tugmaang tula)

Totoo ngang ang oras
Ay napakabilis lumipas
At totoo ngang ang pagsisisi
Ay sa huli lamang masasabi.

Aking nasasariwa
Mga palitan ng salita
Inaaming kong ako’y naging masama
Kaya ngayon ako’y nagmamakaawa.

Ako’y napadpad sa kadiliman
Ako’y nabati ng lumbay
Lahat ng ito’y marahil kabayaran
Kabayaran sa lahat ng aking pagsuway.

Ngayon ika’y nasa himlayan
Sinusundo na sa iyong huling hantungan
Suot ang putting damit ika’y aking pinagmamasdan
Saying nga lang at tapos na ang iyong buhay.

Iba’t ibang emosyon ay nagtatalo
At bawat segundo ay nakapanlulumo
Maghilom man ang sugat sa puso
Galit sa sarili ‘di na magbabago.

Masakit mang tanggapin
Mahirap mang isipin
Ang oras ay ‘di na maibabalik
Kaya’y bawat desisyon ay ating siguruhin. 

No comments:

Post a Comment