Monday, September 17, 2012

Sana’y Malaman Mo


Sana’y Malaman Mo
(Isang tradisyonal na tula na isinulat ko kasama ang aking kaibigan noong 3rd year high school.)

O, aking mahal, ako’y iyong dinggin
Ang ‘yong pag-ibig sana’y maging akin
Sumpa ko’y ito’y wagas at totoo
At hindi ito nakaumang biro.

Pagmamahal ko’y gustong ipadama
Dahil naman, mahal kitang talaga
Tibok ng puso’y sana’y ‘yong makita
Nang sa ganu’y ako ay matuwa na.

Sa tuwing ika’y kinakausap
Kaluluwa ko’y ‘di na mahagilap
Ang labi ko ay kusang ngumingiti
Nalilimutan ang aking pighati.

Gusto kitang magisnan araw-araw
Aking damadami’y iyong pinupukaw
‘Di na makatulog sa bawat gabi
Aking damdami’y pilit tinitmpi.

Kapag nadadakip ang iyong tingin
Ang aking pag-ibig sana’y mapansin
Kay sakit makita kang nasasaktan
Ang aking puso’y nasusugatan.

Lubos na kasiyaha’y nadarama
Sa tuwing ngiti mo ay nakikita
Masakit man gawin ang aking gusto
Masarap naman mahalin ang katulad mo.  

No comments:

Post a Comment