Synopsis:
Pisay, isang
paaralan ng mga iskolar, ay may mga natatanging mag-aaral. Ang pangunahing
layunin nito ay ang pag-aaral ng mga bata. Mga kabataan na may taglay na iba’t
ibang talino ay nagpapalakasan ng isip pagdating sa klase. Pero, hindi
maiiwasan ang kagustuhan ng karaniwang mag-aaral na maglaro at magsaya paminsan
minsan sa buhay hayskul. Ngunit, sa kabila ng ng saya, may mga temptasyon na
makaiistorbo sa kanilang pag-aaral. Paano kaya nila malalampasan ang mga
pagsubok na ito? At sino kaya ang kanilang magiging karamay?
Tuklasin kung paano haharapin ng
mga iskolar ang buhay hayskul sa. . .
PISAY
BIKOL
Mga Tauhan:
·
Marlon – 3rd year; masayahin at
naiiba ang kasarian
·
Robert – 3rd year; matalinong
mag-aaral; mainisin at hindi pa kumpirmado ang kasarian
·
Janno – 3rd year; gwapo at maloko;
mapaglaro at mahilig manlait
·
Rico – 3rd year; antukin at tamad
·
Hans – mahilig mareklamo
·
Jinna – pinsan ni Karen; maingay
·
Karen – pinsan ni Jinna; mahinhin at maganda
·
Mandy – mageekstern; mareklamo
·
Janna – maganda pero pasaway
·
Albert – pinuno ng swimming team
·
Nestor – gwapo kasama rin sa swimming team
·
Jose – may binagsakan na subject; kasangkot
din sa swimming team
·
Tweety – may gusto kay Karen; pasaway; kasama
sa swimming team
·
Sir Marcielo – dorm manager ng boys’ dorm; may
malagom na boses; mataba
·
Sir Jomary – pinaka istriktong dorm manager ng
boys’ dorm; isang doctor
·
Ma’am Almamita – punong dorm manager ng girls’
dorm
·
Ma’am J’Lo – guro sa Biology; mahilig kumuha
ng baklanteng oras at patuloy lang l;agi ang pagtuturo
·
Ma’am Virginia – guro sa Filipino; buntis
·
Sir Ariel – guro sa Math; masayahin; mahilig
magbiro
·
Sir Starwax – ang adviser ng 3 – Platinum
·
Sir Barbi – ang nagtititnda sa canteen;
mabagal kumilos
·
Guard – mahilig sumita ng mga pagkakamali ng
mga ewstudyante para mapromote nang mapromote nang mapromote
·
Benjie – ang baklang employee sa caterer
·
Direktres – ang namamahala sa Pisay Bikol
Unang Tagpo: Paggising Sa Umaga
(Makikita
ang apat na mag-aaral na natutulog. May mesa at upuan sa kaliwa. Sa kaliwang
bahagi ang papuntang banyo.)
(Sa isang
kwarto sa Boys’ dorm ng PSHS – BRC. Alas kwatro imedya ng umaga, natutulog pa
ang mga apat na lalakeng magkakarum. Tutunog ang alam na sinet ni Rico. Kukunin
ni Rico ang orasan gamit ang kanang kamay. Titingnan at maghihikab. Papatayin
ni Rico ang alarm at matutulog ulit. Pagkalipas ng tatlong – pung minute,
magigising si Marlon.)
Marlon:
(Hihikab) Haaaay. . . 5 o’ clock pa lang pala. (Maririnig ang boses ni Sir
Marcielo na magsasalita gamit ang mikropono.)
Sir Marcielo:
Time check. 5:00 na. Oh, gising na kayo. (Magpapatugtog ng Britney songs.)
Marlon: (Biglang mabubuhayan, sasayaw at
kakanta. Magigising ang isang kasama na si Robert.)
Robert: Ang ingay mo naman eh. (Magbabanat ng buto at
ang boses ay parang naiinis. Magugulat si Robert.) Huh! 5:28 na! Bat di ka pa
naliligo? Hala mag-aaral pa pala ako sa Soc. Sci. Nakalimutan ko na pati kung
sino si Mao Tse Tung at Kung Fu Tse! (Pupunta si Robert sa kanyang mesa at
magbabasa ng Soc. Sci. book.)
(Biglang
magsasalita si Janno habang tulog. Itataas ang kanang kamay.)
Janno: Si Mao Tse Tung, ninuno ni Kenneth Ung.
(Ibababa ang kanang kamay at magbabago ng posisyon.)
Robert: Maligo ka na
nga!
Marlon:
Akala mo sa akin. Mabilis ata ako maligo. 3 minutes tapos na ako. (Ang tono ay
parang nagyayabang. Pupunta sa kaliwang bahagi ng kwarto. Lalabas sa entablado.
Pagbalik sa entsblado, pambabae na ang suot.)
Marlon: Oh
diba, ang ganda – ganda ko. Ay! Nagpapagising nga pala sa akin ‘to si Janno!
(Pambading ang boses. Lalapitan si Janno.) Janno! Janno! (Ayaw magising ni
Janno.) Janno! (Sasampal – sampalin si Janno.) Gising na! (Aaloog – alugin ang
katawan ni Janno.) Hindi na ata ito magigising. Walang malay! Ay! Sleeping
Beauty!
Robert:
Anong Sleeping Beauty? Snow White! Ay mali, Cinderella! Ay Hansel! Gretel? Rapunzel? (Masisiyahan si Robert sa paghula
ng mga pangalan ng mga prinsesa sa pantasya.)
Marlon:
Paano nga namatay si Juliet? Ay este, nabuhay si Rapunzel?
Robert:
Ayon, nagpahaba lang ng buhok. Buhok sa katawan, buhok sa kilikili. . .
Marlon:
Hindi! Mali ka naman eh! Hinalikan niya! (Hahalikan ni Marlon si Janno pero
biglang maguguglat, magigising, at matatakot si Janno. Gagapang palayo si Janno
kay Marlon.)
Marlon:
Ayan! Nagising ka na rin. Halik ko lang pala ang kailangan mo eh. (Matutuwa si
Marlon.)
Janno: Anong halik! Ang baho ng hininga mo! Batangaw
ka! Nakakatakot pa mukha mo! Kamukha mo si Shalala. (Sisigaw at maiinis si
Janno. Tatawa ng malakas si Robert. Magkakamot sa ulo si Marlon na parang
nahihiya.)
Janno: (Babangon at kukunin ang uniporme na nasa may
upuan. Papasok sa banyo o lalabas sa entablado.)
Robert: Bilisan mo lang ah.
Janno: Oo na.
Marlon:
Hindi ko maintindihan si Janno. Lagi na lang niya akong inaaway, minamaltrato,
sinasaktan . . . Gwapo siya. Maganda naman ako. Bakit pa niya kailangan
maghanap ng iba? (Magdadrama at parang iiyak na si Marlon. Tatapik – tapikin
siya ni Robert sa balikat.)
Robert: Pabayaan mo na sila. Ganyan
talaga ang mga lalake. Mapait sila sa atin. (Malumanay ang boses.)
Marlon: Sa atin!? Aha! Sabi na nga
bang magkalahi tayo! Nabuking ka rin. (Matutuwa si Marlon.)
Robert: (Magugulat. Biglang babatukan si Robert sa
ulo.) Tulog ka pa ano. Gumising ka nga. Anong magkalahi tayo?! Hindi tayo
magkalahi ah! Parehas lang tayong may . . . ano . . . pero, bakla ka! (Papasok
si Janno sa entablado.) Bahala ka nga diyan. (Lalabas sa entablado.)
Janno: Oh,
nagpapagising nga pala sa akin si Rico. (Lalapitan si Rico.) Gumising ka na!
Hoy! (Aalog – alugin si Rico.)
Marlon:
Ay, baka kailangan din ng halik ko! (Masisiyahan.)
Janno:
Tumigil ka nga riyan. Ang bading – bading nito! (Medyo mataas ang boses na
parang naiinis. Gigisingin ulit si Rico.) Rico! Gumising ka na! 6 o’ clock na!
(Sisigawan si Rico.) Bahala ka nga riyan! (Kukunin niya ang kanyang bag at
lalabas sa kwarto.)
Robert:
(Papasok sa entablado.) Marlon, tara na. Ayokong macurfew ngayong araw. Punta
na tayong food court.
Marlon:
Okay! Let’s go na! Tomjons na nga rin ako eh. (Lalabas sa entablado.)
(Lilipas ang oras. Sampung
minuto na lamang bago mag alas siyete. Magigising si Rico at maghihikab.
Maguunat at babangon.)
Rico:
Haaaaaaaaaaayyy. . . (Pupunta sa banyo at maliligo nang mabilis. Habang
maririrnig si Sir Marcielo na nagsasalita gamit ang mikropono.)
Sir
Marcielo: Bilisan niyo na magcucurfew na.
(Magriring
ang bell na hudyat na sasaraduhan na ang pinto na palabas ng dorm.)
Rico:
(Magpapanik, magmamadali at matataranta. Hindi alam kung saang direksyon siya
pupunta. Lalabas nang hindi nakabutones ang polo.)
*Lights Off*
Ikalawang
Tagpo: Curfew Na Ba?
(Sa
kaliwang bahagi ng ebtablado, makikita si Sir Marcielo na nakaupo sa mesa. Sa
kanang bahagi/gitna makikita ang mga lalakeng inabot ng curfew, kasama na roon
si Rico.)
Sir
Marcielo: Oh, inabot nanaman kayo ng
curfew. Pare-parehas na mukha na lang ang nakikita ko palagi oh. Bakit ba hindi
niyo kayang maging maaga? (Nakasuot ng pangtulog at hindi pa nakakaligo.)
Rico:
(Bubulong sa katabi.) Curfew na ba?
Hans: Kaya
nga. Pamatay! 7:01 daw! (Pataas ang boses.)
Rico:
Grabe naman! (Magugulat.)
Hans: Kaya
nga. Very much is! (Magkakamot ng ulo gamit ang kanang kamay.)
Sir
Marcielo: Tingnan niyo. Pulos baga 3rd year mi 4th year
sana kan idi. Kitin niyo su mga yagit pa sana. Su mga 1st year mi 2nd
year, maaaga. Kamo baga dapat kaan role model ninda. Huh? ,agpakamature man
tabe kamo. Uda kamo sa mga baluy nindo. Idi tabe kamao sa Pisay. Try to be
independent. Kaya nga tayo nag-aalarm every 30 minutes para gisingin kayo.
Nagsasayang lang ba tayo ng kuryente? Ang iba diyan, wisik – wisik na lang ata
eh.
(Magtatawanan ang mga lalake.)
Sir
Marcielo: Simple lang ito eh. Apply natin ang Murphy’s law. Ano ba kasing
ginagawa niyo tuwing gabi?
(Magtatawanan ulit ang mga
lalake.)
Sir
Marcielo: Oh ikaw Rico, everyday na sana baga ika curfew. Ma-extern ka na?
Hans:
(Bubulong kay Rico.) Siya nga hindi pa naliligo eh.
Rico: Kaya
nga.
(Biglang may magpapanggap na may
naghahayperventilate.)
Hans: Sir,
Sir, Sir. . . Si Tweety po!
(Magkukumpulan ang mga lalake
kay Tweety.)
Sir
Marcielo: Oh, ano yan? Gumilid kayo. Kunin niyo yung stretcher.
(May sisigaw na, ‘Yung stretcher
daw.’ At ‘May stretcher daw.’ At ‘May Snatcher daw.’)
Mga
estudyante: (Magtataka.) May snatcher daw?
Hans: Sir,
sir. . . Si Sir Jomary po.
Sir
Marcielo: Saglit lang. (Tatawagin si Sir Jomary. Papasok si Sir Jomary sa
entablado. At magpapalakpakan ang mga estudyante.)
Sir
Jomary: Not to worry. Wag kayo mangamba, isa akong doktor. I know what to do.
Natutunan ko pa ito sa aking mga Chinese ancestors. (Lalapitan si Tweety.
Papaypayan si Tweety. Titigil sa pag-arte si Tweety ng kanyang
paghahyperventilate.)
Sir
Jomary: Oh see. (Magpapalakpakan ang mga lalake.) Bakit pa nga pala kayo
nandirito? Malelate na kayo sa klase niyo.
Mga
Lalake: Si Sir Marcielo po kasi.
Sir
Marcielo: Ako? Kayo.
Mga
lalake: Hindi. Siya. Siya po. (Ituturo si Sir Marcielo.)
Sir
Jomary: Oh sige na, sige na. Labas na kayo.
*Lights
Off*
Ika-tatlong
tagpo: Biology, Favorite Subject?
(Nakatayo si Ma’am J’Lo at
ine-explain ang diagram ng reproductive sytem. Nakaupo ang kanyang mga
estudyante.)
Ma’am
J’Lo: So, here we can see the reproductive organ of the male. And here, the
reproductive organ of the female. These two are used in the . . .
(Papasok si Hans at Rico sa
klase.)
Hans at
Rico: Good morning Ma’am.
Ma’am
J’Lo: And why are you late? (Nakanguso.) Huh? Who’s the beadle here?
Mga
estudyante: Si Karen po Ma’am.
Ma’am
J’Lo: Okay, Jinna isulat mo ang mga pangalan nila and mark them as late.
Karen:
Ma’am, Karen po.
Ma’am
J’Lo: Nalista mo nab a sila Jinna? (May hinahanap na papel sa kanyang mesa.)
Karen:
Ma’am, Karen po.
Ma’am
J’Lo: Jinna, markahan mo sila ng late, Jinna.
Mga
estudyante: Ma’am, Karen nga pe eh. KAREN.
Jinna:
Ma’am, siya nga po si Karen eh. Ako si Jinna. Paulit – ulit? Paulit – ulit?
Ma’am
J’Lo: Aha. At ito, para sa paborito kong estudyante, si Karen. (Ibibigay ang
kapirasong papel kay Jinna.)
Karen:
Ma’am, ako nga po si Karen eh! (Tataasan ng kilay ni Ma’am J’Lo si Karen.)
Ma’am
J’Lo: So, we proceed to our lesson. The reproductive sytem. Preferably,
estrogen is the hormone secreted in females. And testosterone in males. The
mere fact, that ovulation happens during the fusion of the sperm cell and the
ovule.
Karen:
Ma’am, time na.
Ma’am
J’Lo: What’s your next subject?
Mga
estudyante: Vacant.
Ma’am
J’Lo: Let me finish this first. Just give me 5 minutes. (Pupunta sa may likod
at gigisingin at gugulatin ang mga natutulog. Natutulog lahat ng estudyanteng
nasa likod.)
Ma’am
J’Lo: Tulog kayo ng tulog. Pwede kayong matulog but just make sure na papasa
kayo sa mga test.
Robert: Of
course, Ma’am.
Ma’am
J’Lo: Rico! Tulog ka nanaman! (Gugulatin si Rico.)
Hans:
Ma’am, pag pumasa kami anong gagawin naming sayo? Jooooke. Joke lang ma’am.
Ma’am
J’Lo: Aba! At pag hindi kayo pumasa anong gagawin ko sa inyo? Makakatikim kayo
nito. (Ang kilos ng kamay ay parang manununtok.)
Mga
Estudyante: Sipaan! Sipaan!
Ma’am
J’Lo: Sige. Pag sinipa ko kayo. Tatalbog kayo hanggang doon. (Tuturo sa
malayo.)
Janna:
Ma’am naman. Tinatakot mo kami.
(Pupunta sa harapan si Ma’am
J’Lo.)
Ma’am
J’Lo: Okay. Just remember that reproduvtion comes with desire.
(Magsisitayuan ang mga
estudyante at aayusin ang kanilang mga gamit.)
Ma’am
J’Lo: Rico, lead the prayer.
Rico:
Praise be the name of our Lord, Jesus Christ.
Mga
estudyante: Now and forever. Amen.
*Lights
Off*
Ika-apat
na tagpo: Vacant, Amag!
(May mesa
sa gitna na may pagkain. Makikita si Sir Barbi na nagtitinda. Napakahaba ng
linya ng mga bumibili. Nakapila sila Tweety, Jose, Nestor at Berting.)
Jose: Palista ako, isang mango tart
tapos isang chuckie. (Ililista ni Albert ang sinasabi ng mga barkada.)
Albert: Sayo Nestor? (Titingnan si
Nestor.)
Nestor: Dalawang hotdog sa akin.
Albert: Sayo Tweety?
Tweety: Hmm. . . Dalawang hotdog na
lang din.
Albert: Sige
na nga, hotdog na rin lang sa akin. Ang hihilig niyo sa hotdog eh.
Jose:
Anong oras na?
Tweety:
8:45 na.
Jose: Ano
na ‘yan! 20 minutes na tayong nakatayo rito! (Ang tono ay parang nagrereklamo.)
Amag!
Nestor: Si
Ma’am J’Lo kasi. Imbis na nakapila na basang tayo kanina! (Magkakamot ng ulo.)
Albert:
Ang bagal pati. Amag talaga!
(Sa unahan ng pila. Makikita si
Robert at Marlon na kinakausap si Sir Barbi.)
Marlon: Sir
Barbi, dalawang hotdog at dalawang chuckie.
Sir Barbi:
(Kukuha ng calculator at paulit-ulit ikacalculate kung magkano.) 15 times 30
(thirty) plus 24 times 2. 48 plus 30 equals . . .
Robert:
Sir 78 nga yan lahat. May 2 pesos pa.
Sir Barbi:
(Kukunin ang dalawang hotdog at dalawang Chuckie.) Eto na dalawang hotdog at
dalawang chuckie. Sukli nyo.
Marlon:
Just keep the change. Inaamag na kami rito eh.
(Papasok ang guard sa eksena.)
Guard:
Anong oras ang time niyo.
Karen: 9
po.
Guard: Oh,
bat andito pa kayo? Time na. sige. Balik kayo sa klasrum niyo. Mamaya na ang
kain.
Nestor:
Naman! Kung kelan kami na ang sunod sa pila. (Magkakamot ng ulo.)
Karen:
Tara na. Baka mapagalitan tayo ni Sir Ariel.
Sir Barbi:
Punta na kayo sa klase niyo.
Albert:
Wala. Hindi na tayo nakabili.
Tweety:
Kainis.
*Lights
Off*
Ika-limang
Tagpo: Math 4, Nosebleed
(Makikita si Sir Ariel at ang
kanyang mga estudyante.)
Sir Ariel:
So, I think you’re ready. Okay, let’s have a knock-out quiz. If f(x) = 4x2
– 3x + 1 and g(x) = 4x + 3, then what is g of f(x)? Number 2, if
=
and
=
then, find the rectangular form of
cis
. The
. Aha.







Mga estudyante:
(Magtatawanan.)
Sir Ariel: 2
items lang.
Robert: 2 items
lang?
Sir Ariel: Oh,
you want more. I’ll give you more. Number 3.
Mga estudyante:
Sir. . . Wag na. . . (Dudugo ang mga ilong ng mga estudyante.)
Janno: Sir, wag
na.
Marlon: Sir,
tingnan niyo ilong ko!
Sir Ariel: what’s
that?
Marlon: sir..
sir… oh my God it’s out of control! (lalabas ang maraming dugo sa ilong.)
Sir Ariel: Okay.
Let’s just check. Exchange your work pads. Number 1, g of f(x)=16x2-12x+7.
Number 2, the rectangular form of
cis
is (-
). So I think most of you got a perfect score.
Tomorrow, we’ll have a quiz all about circles.



Mga Estudyante:
Sir. . .
Sir Ariel: Ano?
Sige, good luck na lang sa inyo. You may go. (Aayusin ang index cards.
Lalapitan siya ni Jose.)
Jose: Sir,
nakaitlog po ako.
Sir Ariel: Ano?
Anong nangyari sa itlog?
Jose: Sir, zero
po ako.
Sir Ariel: Bakit?
Ang dali na nga lang niyon. Mag-aral ka ng mabuti. Kaya mo ‘yan. Madali lang
ang Math. Just feel it inside, concentrate and meditate.
Jose: Haay. . .
sige po sir.
*Lights Off*
Ika-anim na
Tagpo: Dula
(Magkaparehas lang ang setting
sa ika-anim na tagpo. Mag-iiba lang ang posisyon o pwesto ng mga estudyante. Si
Ma’am Virginia ang guro sa unahan.)
Ma’am Virginia:
Ang proyekto niyo ngayong 4th quarter ay dula. Mag-isip-isip na kayo
kung anong mga kwento ninyo. Isipin niyo kung anong mga makikira sa entablado
na parang kayo ang nanunuod. Kayo ang magiging director ng kwento niyo. Oh,
diba. BUNGGA! Dapat malinis ang pagka-sunod-sunod ng mga tagpo. Ang
pinaka-inaadvise ko talaga sa mga klase ko ay ang sala theatre. Madali lang ang
pagpapalit-palit ng mga props. Pero bahala kayo. Kayo ang mag-iisip niyan. Kung
gusto niyong love story ninyo, pwede rin. O ikwento yung mga pangyayari ng
pag-aaway ng kaibigan mo, pwede rin yun. O kaya naman buhay dito sa Pisay. Kaya
ngayon, ibibigay ko sa inyo ang oras para gawin ang balangkas niyo at isipin
ang sunod-sunod na mangyayari. Ano nga ulit ang seksyon niyo?
Mga estudyante:
Platinum po.
Ma’am Virginia:
Eto, hindi ko ‘to sinabi sa ibang seksyon kanina. Pero, pagdating sa mga
dulaan, Platinum talaga ang palaging nananalo.
Janna: Kahit yung
batch po last year?
Ma’am Virginia:
Oo, kaya wag kayo magpapatalo.
Janna: Yes Ma’am!
Tama!
Ma’am Virginia:
Oh, tama raw. Sige, gawin niyo na ‘yan.
(May kakatok.)
Sir Starwax:
Ma’am excuse me po. Pinapatawag po sila Nestor, Albert, Jose at Tweety sa
guidance office.
Ma’am Virginia:
Oh, yung mga tinawag. Punta na kayo roon.
Janna: Hala!
Lagot kayo.
(Lalabas sila Nestor, Albert,
Jose at Tweety sa entablado.)
Ma’am Virginia:
Kayo, ipagpatuloy niyo lang ‘yan. Submit niyo ‘yan sa’kin bukas. Okay, time na.
asan si Karen?
Karen: Ma’am,
haay. . . salamat. May nakatama rin sa pangalan ko. Yeeeesss!
(Lalabas ang ibang estudyante at
si Ma’am Virginia. Maiiwan sina Karen, Jinna, Janna at Janno sa klasrum.)
Janna: Ano kayang
mangyayari dun sa apat na ‘yon? Noh?
Jinna: Duh! Edi
pupunta sila sa guidance.
Janna: Hindi.
Pero, bakit? Baka may offense!
Karen: Grabe,
hindi naman siguro.
Janna: Malay lang
natin.
Jinna: Wag naman,
Karen, tara na sa food court.
Janno: Ako na
lang ang magdadala niyan.
Janna: Nanag ano?
Janno: Nang gamit
mo. Baka nabibigatan ka.
Janna: Pwede
naman ako na lang buhatin mo diba. Joooke!
Janno: Tara, kain
na tayo.
*Lights Off*
Ika-pitong Tagpo:
Hinanakit ng Isang Bading
(Madadaanan nina Janna at Janno
sila Marlon, Robert at Rico. Nagbabasa at nag-aaral sina Robert at Rico.)
Marlon: Robert!
Robert! Tingnan mo! (Ibabaling ang mukha ni Robert sa nakita, sila Janno at
Janna.)
Robert: Ano?!
(Makikita niya.) Ay. . . kaya naman pala. Selos ka naman.
Marlon: Kaya
naman pala ka diyan! Kaya ganun na lang pala ang pagtrato sa’kin ni Janno!
Traydor! Pinagpalit ako sa iba. Sa isang babaknita pa.
Rico: Ang taas din naman kasi ng pangarap mo noh.
Kahit kelan ‘di ka niyan papatulan. Haaay. . . inaantok nanaman tuloy ako.
Robert: Antok
nanaman! Tulog ka na lang ng tulog. Kahit sa klase lalo na sa gabi. Hindi ko pa
nga taposyung tinuturo ko sayo eh.
Rico:
(Makakaidlip.)
Robert: Ano ba?!
Tinutulugan mo pa ako ngayon!
Rico:
(Magigising.)
Marlon: Pabayaan
mo na nga ‘yan. Eh gusto niya eh. Ako na
lang ang problemahin mo. Kawawa naman ako. Hindi ko ‘to kaya.
Robert: Wag ka ng
malungkot. May mahahanap ka pa naming iba. Malay mo babae na! Joooke!
Marlon: Sira ka
talaga!
*Lights Off*
Ika-walong Tagpo:
Food Court
(May mga mesa sa gitna at mga
upuan. Sa kaliwang bahagi makikita ang nagseserve ng pagkain. Nakapila ang mga
estudyante.)
Benjie: Anong
number mo?
Hans: 369.
Benjie: (Ibibigay
ang plato.) Kainin mo ‘yan. Ubusin mo ‘yan. Masarap ‘yan. (Magkakamot ng ulo si
Hans.) Next! (Sunod sa linya si Jinna.) Tabi-tabi. Mamaya ka na muna. Ikaw
Albert, anong number mo?
Albert: Benjie,
171. (Iaabot ni Benjie ang plato. Sunod sa linya si Karen at Janna.)
Benjie: Mamaya
na. Oh, ikaw Janno? Kumusta na!
Janna: Ano? Ano?
Ano? Papaalisin mo rin ako. Sige, magkakasabunutan tayo.
Benjie: Hindi. Cool
ka lang. oh, 160.
Janna: Buti naman
alam mo number ko.
Benjie:
(Bubulungan si Janno.) Ikaw Janno, mag-iingat-ingat ka diyan sa girlfriend mo.
Janna: Anong sabi
mo?
Benjie: Wala. Ano
nga ulit number mo Janno?
Janno:
09202200210. Joke. 163.
Benjie: Haha.
Nakakatawa ka. (Bibigyan niya si Janno ng pagkain. Makikita si Nestor.) Nestor!
Anong number mo? Wait, alam ko ‘yan eh. Hmm.. 09279765377! Hahaha. Siyempre ako
pa. at 171, diba?
Nestor: 171 nga.
Benjie: Ikaw,
magpataba ka. Kumain ka ng mabuti. Wag magigirlfriend kundi malalagot sila
sa’kin. (Iaabot kay Nestor ang plato.)
Jinna:
(Magagalit.) Aaargh! Tigil-tigilan mo na nga ‘yan! Alam mo bang ‘di pa kami
kumakain kanina pa?! Kanina si Sir Barbi.
Sir Barbi:
(Susulpot na lang bigla.) Bakit? Narinig ko ang pangalan ko?
Jinna: Wala!
Tapos ngayon, Benjie, ikaw!
Benjie: So ganun?
Mag-ingat-ingat ka sa pananalita mo ineng. Oh, ito uminom ka na muna ng gatas!
(Iaabot ang gatsa. Makikita si Marlon.) Marlon, kumusta na?
Marlon: Wag ka.
Badtrip ako.
Benjie: Ay, alam
ko na siguro kung bakit.
Marlon: Syempre
alam mo na. kakakita mo pa lang sa kanila.
Banjie: Hayaan mo
na ‘yan. Ganito na lang. bantayan mo palagi si Nestor. At baka maging close
friends pa kayo pero wag na wag mo siya aagawin sa’kin. Oh . . . hahaha.
Marlon: Bahala ka
nga. . .
*Lights Off*
Ika-siyam na
Tagpo: Uwian Na
(Makikita ang mga
estudyante na nag-aayos ng kanilang mga bag.)
Rico: Haaay
salamat at bukas na ang dorm. Matutulog na ako.
Robert: Marlon,
lib tayo. Rico, sama ka?
Rico: Ayoko, ay.
. . pwede rin. Dun na lang ako matutulog. May aircon dun eh. (Ngingiti.)
Marlon: Sige,
punta tayo mamaya.
Albert: Janno,
table tennis tayo.
Janno: Tsaka na.
may gagawin ako eh.
Albert: Ano
nanaman gagawin mo?
Janno: Basta,
secret ko na lang ‘yon.
Albert: Tweety,
Jose, tara.
Janna: Uy, wait.
Bakit pala kayo pinapuntang guidance?
Nestor: Tanungin
mo yung guard.
Janna:. Bakit?
Tweety:
Nagswimming kami sa inidoro. Hahaha.
Janna: Hindi nga?
Albert: May
offense kami, dahil kami ang. . . ‘Swimming Team’.
Karen: Tweety,
hindi nga? Oo talaga?
Tweety: Oo nga
talaga.
Jinna: Sinong
nakahuli sa inyo?
Nestor: Tanungin
mo nga yung guard.
Janna: Grabe
talaga.
Nestor: Sige,
ganun talaga eh. Jose, tara na, laro tayo.
Jose: Mauna na
kayo. Pinapatawag pa pala ako ni Sir Starmax.
Janna: Oh, ano
yan pinapatawag nanaman?
Jose: Ganyan
talaga ‘pag sikat.
Tweety: Sa
susunod kasi, sumama ka rin sa’min mag-swimming. Haha.
*Lights Off*
Ika-sampung
Tagpo: Grades
(Magkaharap si
Sir Starmax at Jose. Nakaupo sa sila sa upuan at may mesa sa gitna nila.)
Sir Starmax: Jose,
kumusta?
Jose: Ayo lang
po. Ikaw?
Sir Starmax: Ayo
slang din. Anong ginagawa mo?
Jose: Kaharap ka.
Kausap ka po. Ikaw?
Sir Starmax: Ahh.
Hmm. Ganun din.
Jose: Ahh.
Sir Starmax: Ano
ba ‘yan? Kumusta mga grades mo? Yung physics mo at math, anong nangyari?
Nag-aaral ka ba?
Jose: Opo.
Sir Starmax: Eh,
anong nangyar? Nahihirapan ka?
Jose: Opo,
mahirap naman po talaga kasi sir. At wag po ako yung sisihin mo. Yung sci. cal kop
o kasi tatanga-tanga.
Sir Starmax: Edi,
magpabili ka nga bagong sci. cal. Ano ba ksing brand ng sci. cal mo?
Jose: CD-R king
po.
Sir Starmax: Eh,
kaya naman pala eh. Kung bibili ka kasi ng sci. cal para sa’kin wag na casio
ang bilhin mo. Ang uso ngayon ay ang sams-ung. Matibay yun, malakas, magaling
at matalino.
Jose: Sige sir.
Yun nap o ang ipapabili ko.
Sir Starmax:
Basta ah, bumili ka na nga bagong sci. cal. Ikaw na lang kasi ang may problema
sa gradews sa Platinum. Iniinform lang kita para mag-aral ka ng mabuti. Do your
best.
Jose: Opo, sir.
Sir Starmax: Good
luck na lang sa’yo.
*Lights Off*
Ika-labing-isang
Tagpo: Lagot Ka!
(Gabi at madilim.
Sa isang gilid makikita si Karen at Tweety na nag-uusap. At sa kabilang sulok
makikita sina Janno at Janna.)
Tweety: Kumusta?
Karan: Ayo slang. Ikaw?
Tweety: Ayos sin
lang naman ako kaso may offense nga lang. nakakapressure naman kasi. Ang laki
ng expectation ng mga magulan ko sa’kin.
(Darating
ang guard na may dalang flashlight. Tututukan sila Tweety at Karen ng ilaw.)
Guard: Oh. Punta na kayo sa dorm niyo.
O kaya dun na lang kayo sa pav mag-usap.
(Aaalis
sila Tweety at Karen.)
Tweety: (Bubulong kay Karen.) Yan yung
guard. Diba? Blue na ang uniform niya. Haha.
Guard: (Iiikot-ikot at titingnan kung may nagtatago sa
dilim. May makikita siyang dalwang tao sa dilim. Makikita sila Janno at Janna.
Tututukan sila ng ilaw.)Oh, ano ‘yan? Anong ginagawa niyo?! Bawal ‘yan! Labas
kayo riyan! Uy!
Janna: Wag po!
Guard: Hala!
Lagot kayo niyan!
*Lights Off*
Ika-labing-dalawang
Tagpo: Girls’ Dorm
(Sa Girls’ dorm, makikita na
kinakausap ni Ma’am Almamita ang mga babae.)
Ma’am Alamamita:
Mag-igib na kayo ng tubig. Papatayin na ang pump mamaya.
(Papasok si Janna.)
Ma’am Almamita:
Janna, bkit ngayon ka lang? ang curfew hours ay 7 o’clock. Ilista mo rito ang
pangalan mo., (Ibibigay ang logbook kay Janna.) Curfew ka nanaman. Nakipgkits
ka ano> bahala ka niyan, padagdag lang nang padagdag ang mga offense mo.
Kung gusto mo mag-extern ka na next year.
Janna: Ma’am . .
.
Ma’am Almamita:
Wag mo kalimutan ideposit ang cellphone mo. Pag ikaw nahuli ko nanaman.
(May mga dalang balde ang mga
babae.)
Mandy: Grabe
naman ‘to. Walang kuryente. Walang tubig.
Jinna: Kaya nga.
Mandy:
Mag-eekstern na nga lang ako.
Janna: Sige, sabay
na ;ang tayo.
Ma’am Alamamita:
Hoy, mamaya wag kayo maingay. Karen, ilista mo yung mga maiingay sa study area.
Pati na rin yung mga natutulog at ‘di nag-aaral.
Karen: Opo Ma’am.
*Lights Off*
Ika-labing-tatlong
Tagpo: 3-Platinum
(Ang direktres ng Pisay ay
paparangalan ang guard. Maraming estudyante.)
Direktres:
Malaking pasasalamat para sa ating natatanging guard na iniisip lamang ay ang
pakakanan ninyong mga iskolars. So iskolars, kung iniisip niyo na wala na lang
dapat na guard. Mali ‘yon. Dapat magpasalamt pa kayo dahil natatama ang mga
pagkakamali niyo. At natututo kayo sa mga ito. (Bibigyan ng award ang guard.
Magppalakpakan ang mga tao. Lalabas sa entablado ang direktres at ang guard.)
Robert: Tara,
praktis na lang tayo sa Pinoy. Yung project natin.
Tweety: Oo nga.
Kalimutan muna natin ang mga problema.
Janna: kaya nga.
Extern na kung extern!
Jose: Bumagsak na
kung bumagsak.
Albert: Oo nga.
Ma-offense na kung ma-offense.
Rico: Bahala na
‘yan, kung ano mang mangyari rito. Wala na akong violent reaction.
Robert: Academics
na muna ang unahin natin.
Janna: Tama!
Remember, kailangan natin manalo.
Nestor: Simulan
na natin.
Robert: Albert,
Nestor, Tweety at Jose. Kayo yung na-offense ditto sa kwento ko. Janno at
Janna, madadakip man daw kayo na nag-pi-PDA. Yan praktis na tayo.
Janna: Let’s
vocalize.
(Mag-vovocalize ang
magkakaklase.)
Robert: Go!
Platinum! Go! (Sisisgaw din ang lahat.)
Lahat: Group hug!
*Lights Off*
Ika-labing-apat
na Tagpo: Let’s Celebrate!
(Magpepresent lahat. May
kantahan at sayawan. At maggugrup hug.)
Ma’am Virginia:
Okay, nafinalize na ang mga scores ng tatlong seksyon. Close fight talaga ang
nangyari. 99.6%, 99.7% at 99.9%. at ang nanalo ay ang. . .
3-PLATINUM!!!
(Maghihiyawan, magtatalunan,
magyayakapan at masisiyahan.)
At doon nagtatapos ang Pisay
Bikol. :D
~WAKAS~
No comments:
Post a Comment