Monday, September 17, 2012

Nabigong Dalangin


Nabigong Dalangin
(Elehiya)

Tagumpay ay aking pinaghihirapan
Pinaghihirapang makamtan
Kalian ko maibabalik
Lahat ng akong nasimulan?

Ginawa ko lahat ng aking makakaya
Nagsipag at magtiyaga
Bakit napunta saw ala?
Saying ang pagkakataon.

Hindi ko maisip kung bakit nagkaganoon
Lubos kong pinagsisikapan
Lubos kong dinadalangin
Sana’y muling ibalik.

Nagkulang ang aking pagsisikap
Nabaliwala ang aking mithiin
Sapagkat nabaling ang aking isipan
Pangarap ay napunta sa maling daan.

Kaya ko pa bang maitama?
Lahat ng aking naging pagkukulang?
Kinabukasan saan hahantong?
Kung sarili’y hindi pinagkakatiwalaan.

Gumuho ang mundong ginagalawan
Nang naglaho ang tanging  hinhiling
Nawasak ang pusong matagal nang naghihintay
Ngayon, naghihintay pa rin sa matamis na tagumpay.

No comments:

Post a Comment